Photobucket




Definitely Unplugged.



Photobucket

Name. Jerilene L. Medrano
Alias. batang kalye. pusakal. aries. artemis. definitely unplugged
B`day. 5th day of January
Features. "Quiz Bee (Math, Science, General Information), Public Speaking, Music, Cubing (Rubiks), Creative Writing, Track and Field, Research"-Capable.
Occupation: I am... an assassin. ? Kidding there. I am actually nothing but a student. i used to do some tutorials for a certain pay. Hehe... I still give tutorials, but money is not a subject now. HArhar.



Be warned. I expect you not to panic when you see the random rants of this "shaken" girl while she faces her life as a student of the University of the Philippines, her musings over her backtracked music trips, the surveys and quizzes she takes out of boredom, her vanity shots, her out-of-this-world-sessions, her "wicked" plots to dominate the world, her frustrations, her paranoia, her ambitious plans, her revelations on procrastination, her crazed ideas and whatever else that comes to her mind. Do not tell me that you have not been warned. (Reverse psychology, applied. XD)

if you find this blog way disturbing and proud, i suggest that you hit the exit button at the upper right corner of this window, go home and eat bahaw. go figure out what bahaw means. XD

sorry, guys. i just don't practice false humility. =)


***see this:
i use conversational english in this blog.
comments and suggestions are, as always, welcome.
just make sure that they do make sense.


About this Entry
Posted by: x_pusakal_x

Visit x_pusakal_x's Xanga Site

Original: 6/10/2009 11:20 AM
Views: 15
Comments: 1
eProps: 2

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site


Who gave the eProps?
2 eProps!2 eProps! 2 eProps from:
lakwacherangpilipina


Wednesday, June 10, 2009

Sensei...

 Sabi ko noon, pumasok lang ako sa UP para mag-aral. Wala ng social life - social life. Di ko naman yun kailangan... Sabi ko lang yun.

Walang nangyari. Ni hindi ko nasimulan ang pinaplano kong pagpapaka GC. Siguro, dahil sa di naman talaga natural sa'kin ang mag-aral ng walang pilitan. Minsan, nag-aaral naman ako. Minsan. Kapag nasa mood. At moody talaga ako. At kadalasan, wala ako sa mood. Marami pa rin naman akong natutunan. Tulad ng si Jesus ay maaaring produkto ng parthenogenesis. At maaaring nauna si Eba kay Adan. Natutunan ko din na may silbi naman pala ang derivatives at anti-derivatives. Kung hindi man sa pagbili ng fishball at kikiam. At marami pa... Sa loob ng classroom. Pero mas madami pala na matututunan sa labas nun. Mas  marami at mas masaya... Tulad ng...



Dapat mahalin ang mga insekto lalo na ang mga langaw. Hindi rin pala ako pwedeng maging gagamba kahit maganda ang pagkakablack sa encyclopedia ng black widow. Nakakakonsensya na ring pumatay ng ipis ngayon.

Maraming mga daga sa Sunken Garden at madalas silang lumabas kapag UP Fair para tumalon at humingi ng C2.

Nagbago ang tingin ko sa butiki. Dati, nakakagalit ang pag-tsk,tsk nya. Pero ngayon, tsk, tsk, tsk.... Hehehe. At kapag kailangan mo ng butiki at wala kang mahanap, maghanap ka ng buwaya.

Hindi pala buwaya yung nasa blouse ko. Aso pala. Pagkamulat mula sa kasinungalingan, Part 2.

Hindi lahat ng lalaki, chicks ang gusto.

Nakapunta ako sa iba't ibang lugar sa Manila. QC Mem Circle, Underpass malapit dun, SM Megamall, Wildlife Park, La Mesa Eco Park, at kung anu anong mall sa paligid ng Ali Mall.

Natuto akong sumakay sa LRT!

May mga puno palang nanganganak ng condom... Matatagpuan sila sa Lagoon.

Kaya ko palang umubos ng Quarter Pounder. Ngayon, kulang na sya sa'kin.

Merong masarap na pizza place sa Teacher's Village. Dapat palang magbigay ng tip. For the first time, kumain ako ng meal na may tip. Hahaha.

Nakilala ko ang Sisig! Akala ko dati, Bopis = Sisig. Buti na lang, di na ko nabubuhay sa kasinungalingan! Da best yung sisig ng Sisig Hooray. Masarap din pero parang hindi tunay na sisig yung Ersao sa SC. Yung sa Katag, hindi masarap.

Pwede palang iulam ang siomai at kalamares sa kanin. Yung siomai pala, napiprito din. Pati siopao! At masarap ang siomai at kalamares kina Manong Nestorminator... After 5 minutes, libre na ang kinain mo. Try nyo! Pati na rin yung pancit canton kina Aling Jellybabes. At higit sa lahat, masarap silang i-FC. :D

Maraming pwedeng maging epekto ang isaw ni Mang Larry. Magandang epekto. Hehehe... Mas masarap pala ang isaw baboy kesa isaw manok. Sayang at wala silang dugo, atay at paa.

Ang ibig sabihin ng PAKAPLOG ay Pandesal, Kape at Itlog. Sample:
Nanay: Anak, anong gusto mong almusal?
Ako: Nay, PAKAPLOG!

Okay lang palang matulala paminsan-minsan sa date. O baka dahil abnormal lang din yung date ko? At hayun. Natuto nga akong magdate. At okay rin naman pala yun. Hindi naman pala ganun kasama ang Valentine's Day.

Kahit hindi ako marunong magbike, masayang magbike-bikean sa QC Memorial Circle (?). At kung ayaw mong tumanggap ng flowers, masasabuyan ka ng pinira-pirasong dahon. Apiiir!

Marunong na 'ko magvideogame! Tekken! Marunong na rin ako *matapos ang ilang pag-uulit* ng Star Trek na video game sa SM North. Sa wakas! Marunong na rin akong mag-Counter Strike, Left4Dead at Dota. Yung Counter Strike at Left4Dead, napanaginipan ko na. Dota na lang ang hindi pa. Nakakaadik mang-headshot.

Da best na social networking site ang Facebook.

Hindi lang pala ako bad girl. Baaaadgirl din ako. Ngayon ko lang din narealize na girl pala ako.

May ganun pa rin pala. Pwede pa rin pala. Kaya ko pala. All in all, sapsap pala!



Salamat, Sensei!
 Posted 6/10/2009 11:20 AM - 15 Views - 2 eProps - 1 Comment

Give eProps or Post a Comment

1 Comment

Visit lakwacherangpilipina's Xanga Site!

ang saya ng post mo pramis :)


san ung masarap na pizza place sa teacher's village? sa may sikatuna ba yung teacher's village?

Posted 7/9/2009 2:57 AM by lakwacherangpilipina - reply


Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 
  • Say it with Minis! (?)

Profile Pic:
Default  |  Choose »  (?)



Back to x_pusakal_x's Xanga Site!
Note: your comment will appear in x_pusakal_x's local time zone:
GMT +05:00 (West Asia)